Sino kaya ang kasama ni Megastar Sharon Cuneta sa picture? Isang US Army Soldier na binisita siya kamakaylan lang.

by inspirationaly

Si Sharon Gamboa Cuneta- Pangilinan na 54 taong gulang, Pinay actress, singer and host o mas kilala bilang Megastar isa sa mga sikat at tinitingalang bitwin mula noon magpa-hanggang ngayon, si Megastar ay isa rin sa may pinakamalaking talent fee pagdating sa endorsement ng mga produkto dahil sa epektibong pag endorso nito.

Si Megastar Sharon Cuneta ay kasal kay Francis Pangilinan na ngayon ay isang politiko, kinasal sila noong April 28, 1996, Noong 1997 si Megastar at ang anak nito na si KC at asawa na si Francis ay lumipat sa Boston para manirahan at ang kanyang asawa naman ay tinapos ang kanyang pagaaral sa Harvard University.

Si KC ay anak ni Gabby Conception kay Sharon na tinangap ni Francis, Si Sharon naman at si Francis ay may dalawang anak na babae at may isang ampon na lalake.

Kamakailan lang nag post si Sharon sa kanyang social media account kung gaano niya na miss ang kanyang anak na ilang taon na niyang hindi nakikita. Sa post ni Megastar pinangalanan niya itong Curtis Christopher Quirino Cuneta na kanyang ikaapat na pamangkin, pero sinabi ni Megastar na tinuturing niya itong anak niya simula noong makita niya ito noong sangol pa lamang. Sinilang noong December 1993 ang kanyang pamangkin sa United States.

Ang tawag ng binata kay Megastar ay “Mama” simula noong mapamahal na ito sa kanya, palaging nag uusap ang dalawa gamit ang video chat sa social media noong bumalik ito Abroad at kasali rin ito sa Army. Ang anak ni Sharon na ito ay may minamahal na rin ang pangalan nito ay si Korrine.

source: TheDailyFeed

Leave a Comment