A Boy Uses Hand for his mom as Pillow and Gave his Seat for the Lady with an Infant

by inspirationaly

A Boy Uses Hand for his mom as Pillow and Gave his Seat for the Lady with an Infant

May mga natitira pa kayang maginoo sa panahon ngayon? Karaniwan sa mga kalalakihan ngayon kahit nasa hustong edad na ay hindi matinag sa kanilang inuupuan lalo na at may matanda, buntis o may dalang sanggol para bigyan ito ng upuan, kadalasan pa nga ang karamihan sa mga ito ay nagtutulug tulugan pag nakakakita ng mga ganito.

Pero hindi rin natin masasabi na ang lahat ng kalalakihan ay gaya ng nakararami na walang pakialam sa mga kababaihan at mga nangangailangan ng upuan.

Gaya nalang ng batang ito na nakatira sa China ang pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa napakabuti nito kahit sobrang musmos pa lamang nito, dahil pina-upo ng bata ang babaeng may dalang sanggol at tumayo ito at kaagad na iniabot ang kanyang maliit na kamay sa kanyang pagod na nanay para gawing unan nito.

Ayon sa mga naka-kita naka-upo ang kanyang pagod na ina na galing sa trabaho naka upo ang mag ina at magkatabi sila nito habang binabaybay ng train ang kanilang pupuntahan, huminto sa susunod na istasyon ang train at may pumasok na babae na may tulak tulak na sanggol sakay ng stroller nito, nakita ng bata na nahihirapan ang babae dahil hindi nito makayang balansehen ang sarili at ang stroller. Kaya dali daling tumayo ang bata at sinabi sa babae na siya na ang umupo sa kanyang kinauupuan.

Photo credit: Viral 4 Real

Noong makatulog ang kanyang ina sa byahekinuha nito ang daladalang bag nito at siya ang nag hawak at dahan dahan niyang inilagay ang maliit niyang palad sa ulo nito para hindi mauntog sa bakal ang kanyang ina habang binabaybay ang daan patungo sa pupuntahan nila.

Talaga nga namang maituturing na bayani ang batang ito, talagang napalaking maayos at may respeto sa kapwa.

Hindi pa nalalaman ang pangalan ng bata pero alam ng mga netizens na ang mga magulang rin nito at mga guro ang nagturo sa bata kung paano maging isang mabuting mamamayan.

Kung ikaw ba ang nakakita ng nangangailangan ng upuan at pagod ka, ano ang gagawin mo?

source: RachFeed

Leave a Comment